Dagupan City – Tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan sa brgy. Lasip sa bayan ng Calasiao ang panghuhuli sa mga asong hindi nakatali o nakakulong sa lugar.

Ang layuning ito ay nasa ilalim pa rin ng ipinatupad na Republic Act 9482, section 5 na nirerequire ang lahat ng mga may-ari ng aso na maging responsable sa kanilang mga alaga.

Ayon naman kay Jennifer Caacbay, Midwife sa Brgy. Lasip, Calasiao, kung makagat man ng aso, ireport ito kaagad sa kanilang barangay partikular na sa mga BHW o Barangay Health Workers upang maireport ito sa Rural Health Unit at mabigyan ng karampatang lunas at aksyon.

--Ads--

Nagpapalala naman ito sa kanilang nasasakupan na maging responsable at ipagbigay alam sa kanilang tanggapan agad kung may mangyaring hindi inaasahan hinggil pa rin sa nasabing ordinansa.