Dagupan City – Inaasahang tatagal pa ang ginagawang panghaharass ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst kailangang tanggapin na ng mga Pilipino na sa aksyong ipinapakita ng China Coast Guard ay mukhang walang balak ang mga to na umatras hangga’t hindi nakukuha ang Western part na bahagi ng bansa.
Aniya, mapapansin kasi sa binitawang salita ng mga ito sa isinagawang pagpupulong na tila sinisisi pa ang bansa kaya ginagawa ang panghaharass.
Kung kaya’t hindi aniya maintindihan kung bakit marami pa rin ang nagsasabing makipag-alyansa muna ang Pilipinas.
Binigyang diin din nito na simbolo lang din ito ng intergenerational struggle ng bansa kung kaya’t marapat lamang na umisip at maghanda ang bansa ng long gain.
Kaugnay nito, magandang balita naman aniya ang nagging pahayag ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na may nakalaan ng budget para sa modernisasyon ng mga kagamitan ng navy.
Ngunit diin pa ni Yusingco, hamon ito sa civil society, kung saan ay dapat na siguruhin ng mga ito na ang pondo ay mapupunta sa tama at hindi sa bulsa ng mga abusadong pulitiko.