Dagupan City – Pambabastos ito sa karapatan ng bansa.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Francis Dominick P. Abril, Legal & Political Consultant hinggil sa umano’y patuloy na panghaharass ng China Coast Guard sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

Aniya, lantaran na ang ginagawang pambubully ng CCG kung saan ay sinira pa ng mga ito ang sinasakyan ng mga PCG.

--Ads--

Sinang-ayunan naman nito ang sinabi ni DND Sec. Teodoro na hindi isang misunderstanding ang engkuwentro ng Philippine Navy at China Coast Guard sa Ayungin Shoal kundi agresibo at iligal na paggamit ng dahas

Matatandaan na nanuna nang sinasabi ng gobyerno na posibleng misunderstanding o aksidente ang engkuwentro ng Philippine Navy at China Coast Guard sa Ayungin Shoal noong nakaraang Lunes.

Samantala, binigyang linaw naman ni Atty, Abril na maaring isampa sa proper international forum ang ginagwang ito ng China upang mabigyan ng karampatang aksyon ang mga ito.

Kaugnay nito, wala na rin dapat aniya ang bansa sa pagiging kalmado lamang dahil kinakailangan na itong itaas sa Inernational Justice.