DAGUPAN CITY – “Hindi maituturing na Act of war.” Ganito isinilarawan ng isang political analyst sa lalawigan ng Pangasinan sa muling pambobomba ng tubig ng dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) sa bangka ng Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na ikinasugat ng apat na tripulanteng sakay nito.
Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst, ito ay bahagi pa lang ng naval maneuvers o naval incidents.
Maituturing lamang na act of war kung may pangyayari gaya ng ginawa ng Russia sa UKtaine kung saan mga tangke na ang lumusob sa kanilang teritoryo at paglusob ng Hamas sa Israel at pagdukot sa mga Israeli.
Naniniwala si Yusingco na hindi titigil ang agresibong bahavior ng China kaya dapat itong tutukan.
Hindi dapat mananahimik ang bansa at ipakitang hindi papayag na magtuloy tuloy ang ginagawa ng Chinese coastguard.
Dapat manindigan ang adminisrasyong Marcos na handang ipagtanggol ang mga mangingisda at karapatan sa teritoryo ng bansa.
Protektahan ang national interest at mag-isip ng kung anong puwedeng gawin para mapalakas ang national defense capability partikular ang marine defense capability.