DAGUPAN CITY- Itinanghal bilang Overall Champion ang Pangasinense na si Raymund Torio matapos masungkit ang overall champion title sa katatapos lamang na Powerman Malaysia 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ibinahagi ni Torio na ilang ulit na rin siyang lumahok sa nasabing kompetisyon, ngunit ito ang kanyang unang pagkakataon na masungkit ang pinakamataas na karangalan.

Aniya, isa sa mga pangunahing hamon na kaniyang binanggit ay ang pag-aangkop sa bansang pinagdarausan ng laban, kabilang na ang klima, oras ng kompetisyon, at iba pa.

--Ads--

Dagdag pa rito, kinailangan niyang paghandaan ang matinding kumpetisyon dahil maraming kinatawan ang iba’t ibang bansa.

Marami aniyang makakaharap na magagaling na atleta mula sa iba’t ibang nasyon, kaya’t kailangan ang puspusang paghahanda.

Umaasa siyang magsisilbi itong inspirasyon para sa mga kabataang nais tahakin ang landas ng pagiging isang propesyonal na atleta.