BOMBO DAGUPAN -Plano ni Pangasinan governor Ramon V. Guico III na maitatag ang Pangasinan Trade Center kasunod ng tagumpay kamakailan ng Manila Fame and International Food Expo (IFEX), na nagbukas ng pinto sa mas maraming oportunidad para sa iba’t ibang lokal na negosyante.

Ayon kay Guico, buo ang kanyang tiwala na higit na magdadala ito ng kaunlarang pang-ekonomiya sa lalawigan.

Para maisakatuparan ang pangarap na proyektong ito, humingi ng suporta si Gov. Guico sa Sangguniang Panlalawigan, sa pamumuno ni Vice Gov. Mark Ronald Lambino.

--Ads--

Nanawagan din siya sa Provincial Economic Development and Investment Promotion Office na isang investment promotion office, na lalo pang isulong o i-market ang lalawigan bilang lugar ng mga investors.

Ang Pangasinan Trade Center ay magiging mahalagang bahagi sa pagpapalakas ng ekonomiya ng lalawigan o magpapasigla sa paglago ng ekonomiya, na ang makikinabang ay mismong mga Pangasinense.