DAGUPAN CITY–Hinatulang guilty ng korte suprema si Pangasinan State University o PSU President Dexter Buted sa kasong pang-aapi na isinampa ng isang guro laban sa kanya.

Lumabas na ang pinal na desisyon ng third division ng korte suprema kaugnay sa apela sa kaso ni Dr. Buted.

Nakasaad sa desisyon, hindi tinanggap ang petition ni Buted na baliktarin ang naunang hatol laban sa kanya.

--Ads--

Matatandaan na Nobyembre 2017 nang lumabas ang hatol ng Ombudsman na sinasabing guilty si Buted sa kasong opression o pang-aapi.

Iniakyat ni Buted sa court of appeals ang kaso kung saan dinismiss din ang kaso at naisapinal na ito sa kalalabas na hatol ng korte suprema

April 2016 nang maghain ng reklamo si Engr. Ricardo Tapia sa Ombudssman laban kay Buted at dating PSU Binmaley Campus director Marcelo Gutierrez matapos daw siyang alisin sa trabaho.

Umapela si Tapia sa Civil Service Commission.

Pero kahit hindi pa nakapaglabas ng pinal na resolusyon ay hindi na siya pinayagang magturo.

Samantala, ipinagtataka ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan kung paano naitalaga si Buted bilang PSU president.