Dagupan City – Pinarangalan ng Agricultural Training Institute Region 1 ang Pangasinan State University sa ika-39 na anibersaryo nito dahil sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa mga programa para sa agrikultura at pangisdaan.
Kinilala ang PSU sa epektibong implementasyon ng mga programa at pagpapalakas ng extension services sa ilalim ng Department of Agriculture.
Isinagawa ang awarding ceremony noong Pebrero 11, 2026 sa Urdaneta City, Pangasinan.
--Ads--
Pinagtibay ng pagkilalang ito ang patuloy na commitment ng PSU sa pagpapaunlad ng mga komunidad at sektor ng agrikultura at pangisdaan sa Ilocos Region.










