BOMBO DAGUPAN – Hangad ng Pangasinan Salt Farm na mapataas ang produksyon ng asin ngayong season.
Ayon kay Nestor Batalla, assistant provincial agriculturist at namamahala sa Pangasinan salt farm, sa ngayon ay nagsisimula na ulit silang magproduce ng asin sa second season.
Sinabi nito na umaabot sa mahigit 6 million kilos ng asin ang naharvest sa unang season at ang target nilang maproduce sa second season ay nasa 8-10 million kilos ng asin.
Nakipag pulong umano sila sa Philippine Coconut Authority dahil marami ang pangangailangan nila ng asin kung saan ay umaabot sa P2.4million ang budget sa pambili ng asin
Mula sa dating presyo na P550 per bag o 50 kilos ay bibilhin nila ito sa P800.
Sa kasalukuyan ay marami na umanong outside buyers at mayroon pang taga Cordillera na bumibili din sa kanila.
Kasama pa rito ang mga may ari ng poultry at piggery farms dahil ginagamitg ang asin na pambugaw ng langaw, at gayundin ng mga may ari ng water refilling station.
Samantala, bibili aniya ang Philippine Coconut Authority ng 5,000 bags ng asin mula sa mga salt producers sa bayan ng Dasul.
Napag alaman na pinakamaraming salt producers sa bayan ng Dasul,Bolinao, Anda, at lungsod ng Alaminos.
Dagdag pa ni Batalla na nagsisilbi ring atraksyon sa mga turista ang salt farm dahil maraming dayuhan at mga mag aaral mula sa mga PSU ang nagpupunta doon para makita ang paggawa ng asin.