Dagupan City – Hinihikayat ng Pangasinan Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) ang publiko na dumalo o bumisita sa mga pailaw para sa selebrasyon ng Pasko sa Kapitolyo ng Pangasinan.

Tampok ang mga makukulay na ilaw at masasayang tugtuging handog ng Provincial Government para sa lahat ng Pangasinense at mga turista.

Noong huling bahagi ng Nobyembre, opisyal nang sinindihan ang mga ilaw sa buong Kapitolyo, kabilang na ang malaking Christmas tree at Belen, hudyat ng pagsisimula ng inaabangang Paskuhan sa Kapitolyo 2024.

--Ads--

Ayon kay Malu Amor Elduayan ang Head nasabing opisina at Vice Chairperson ng Paskuhan sa Kapitolyo na ang tema ngayong taon ay “Paskong Ang Galing, Bida ang mga Tsikiting.”

Layunin ng temang na magbalik tanaw ibalik ang mga bisita sa kanilang pagkabata tuwing kapaskuhan at mabigyan ng halaga ang mga bata sa pagdiriwang ng Pasko.

Ani Elduayan na mas malaki, mas maliwanag, at mas maganda ang mga dekorasyon ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.

Nais ng Pangasinan na maramdaman ng lahat ang saya at Espiritu ng kapaskuhan para sa lahat.

Bilang bahagi ng selebrasyon, nagsagawa ng paligsahan sa pagandahan ng mga dekorasyon, parol, at ilaw ang walong National Government Agencies at anim na Provincial Services/Sectors.

May premyong ₱75,000 para sa mananalong National Government Agency at ₱150,000 para sa manalong Provincial Government Office.

Nagkaroon din ng MTV Contest para sa Christmas song na “Paskong ang Galing Puso’y nagniningning,” kung saan siyam na Local Government Units (LGUs) ang sumali kung saan ang mga nanalo dito ay ang Bayan ng Rosales, San Quintin, at San Carlos City kung saan ang 1st prize (₱100,000), 2nd prize (₱75,000), at (₱50,000) naman para sa 3rd prize.

Samantala, marami pang kaabang-abang na inihandang aktibidad ang probinsya na tatagal hanggang Enero 1, 2025. Kaya dapat umanong umantabay sa mga calendar of activities para malaman ang mga kaganapan sa bawat araw sa kapitolyo. (Oliver Dacumos)