Iprinisenta ni Pangasinan Police Office Director Redrico A. Maranan kay Gobernador Amado I. Espino III ang iba’t-ibang pagkilala na tinanggap ng Pangasinan Provincial Police Office kabilang na dito ang BEST PROVINCIAL OFFICE at limang special awards: Special Unit Award in the Campaign Against Top Most Wanted Person; Special Unit Award in the Campaign Against HVI on Illegal Drug Personalities; Special Unit Award in the Campaign Against Illegal Drugs; Special Unit Award in the Campaign Against Illegal Gambling; and Special Unit Award in the Campaign Against Loose Firearms.
Pinuri ni Gobernador Espino ang Pangasinan PPO sa pamumuno ni Col. Maranan, na nakatanggap din ng special award, dahil sa kanilang determinasyon sa serbisyong pampubliko na naging daan sa kanilang pagtanggap ng ibat’-ibang parangal.
Bukod dito, pinuri rin ni Gobernador Espino ang Dagupan City Police Station na hinirang na Best City Police Station at ang Villasis na nakatanggap ng Best Municipal Police Station, gayundin ang ilang mga police officers na binigyan ng iba’t-ibang natatanging parangal.
Ang mga nasabing parangal ay natanggap ng Pangasinan police noong 119th Police Service Anniversary Celebration ng Philippine National Police Regional Office 1 na ginanap noong ika-6 ng Agosto.