DAGUPAN CITY – Nakahanda na ang Pangasinan Provincial Office sa pagbabantay sa seguridad ng mga magtutungo sa mga sementeryo gayundin sa mga pook pasyalan sa lalawigan sa nalalapit na Undas.

Ayon kay Plt. Trisha Guzman, Assistant Chief, PIO, Pangasinan PPO nasa 173 PNP deployed personnel na ang naipdala at magdadagdag pa sila ng 86 iba pa mula sa mga augmented units.

Nasa kabuuang 82 naman ang nadeploy sa mga sementeryo sa lalawigan, mayroon ding 183 deployed sa mga national highway, 8 para sa mga road under construction at 77 naman sa mga bus terminal at iba pa.

--Ads--

Kaugnay nito ay heightened naman ang alert ng kapulisan at aniya ay lagi silang handa lalo na kapag may nangailangan ng tulong.

Bukod diyan ay may nakahanda na silang itatalaga sa lahat ng mga sementeryo sa lalawigan katuwang na rin ang ilang mga opisyales sa bawat bayan at syudad.

Inaasahan din na marami ang magtutungo sa mga karagatan sa lalawigan kung saan may mga nagbabantay at gagabay sa mga bibisita sa mga beach dito.

Samantala, para naman sa kampanya ng probinsiya kontra sa ilegal na droga sa kabuuan ay may 558 operations na silang naisagawa.

Paalala naman nito sa publiko na palagiang maging handa lalo na kapag may sakuna ugaliing may nakahandang first aid kit ganun din ang mga gamot.