DAGUPAN CITY- Inihayag ng Pangasinan Provincial Health Office (PPHO) ang pagbaba ng mga kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa lalawigan sa unang quarter ng taon.

Ayon kay Dr. Ma. Vivian V. Espino, Officer in Charge ng PPHO, umabot lamang sa 27 ang naitalang kaso mula Enero hanggang Abril ngayong taon.

Malaking pagbaba ito kung ikukumpara sa 421 na kaso na naitala noong nakaraang taon, na may average na 105 na kaso kada quarter.
Ang mga lungsod at bayan na may naitalang kaso ay ang Alaminos City, Urdaneta City, Lingayen, at Dasol.

--Ads--

Paliwanag ni Dr. Espino, ang mataas na populasyon sa mga lugar na ito ay nagiging dahilan ng mabilis na pagkalat ng sakit.

Karamihan sa mga biktima ay mga batang may edad 1 hanggang 9, ngunit mayroon ding naitalang kaso sa isang 55-taong gulang na pasyente.

Bagamat hindi naman karaniwang nagiging malubha ang HFMD ngunit mabilis itong kumakalat.