Dagupan City – Nagbabala ang Pangasinan Provincial Health Office sa sakit na food poisoning, heat stroke, at dehydration ngayong nalalapit na Undas 2024.

Ayon kay Dr. Anna Ma. Teresa De Guzman, Provincial Health Officer ng PHO Pangasinan, isa ito sa pangunahing tututukan ng kanilang departamento ngayong nalalapit na nobyembre.

Kung saan magkakaroon sila ng joint collaborative meeting para paghandaan ang preparasyon ng Undas at kung paano isasagawang pagbabantay ng bawa’t hanay.

--Ads--

Tututukan naman ng mga ito ang sanitary inspections, food preparation practices, at ang tubig na dadalhin upang maiwasan ang mga nasabing sakit.

Nagpaalala naman si De Guzman na ugaliing gawing malinis ang mga ihahandang pagkain at nasa proper storage ang mga ito.