Dagupan City – Ipinalwianag ng Pangasinan Provincial Health Office ang kahalagahan ng Guiconsulta identity card o ID.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dra.Ma. Vivian Villar Espino – Officer in Charge ng opisina, marami aniyang incetives ang ID na isinakatupara sa ilalim ng programa ng kasalukuyang gobernador para sa lahat ng mga taga-Pangasinan.

Aniya, ito ay isang health ID na may malaking ambag sa isang pasyente dahil sa mga benepisyong maaring makuha sa ospital.

--Ads--

Isa na nga rito ay ang less time consuming na record ng isang ID holder na maaring makita kapag ipinresenta ang ID.

Dagdag pa rito ang mga usapin sa bayarin na hindi macocover ng PhilHealth, ani Espino, makatutulong ang Guiconsulta ID sa social services ng isang ID Holder.

Nagbabala naman ito sa publiko kaugnay sa kumakalat na facebook post na may downloadable link ang Guiconsulta Card na isang peke at hindi awtorisado, nilinaw ni Espino na hindi maaring gamitin ang Guiconsulta sa isang ATM transaction dahil nakatutok lamang ito sa usaping kalusugan.

Target naman ng Pamahalaang Panlalawigan na makapag-rehistro ng nasa 2 milyon ngunit ngayon ay nasa higit 1 milyon pa lamang kaya hinahangad muna nila na maabot ang 1.4 Milyon.

Samantala, nagpaalala naman si Espino sa publiko ngayong mainit ang panahon na iwasan ang pagbabad sa init, magsuot ng mainit na damit, ugaliing magdala ng payong, mag-apply ng sunscreen, at ugaliing uminom ng tubig.