DAGUPAN, CITY— Aminado ang Pangasinan Provincial Health Office na isang hamon ang kanilang nararanasan sa linggo ito dahil sa dami ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Dr. Ana Marie De Guzman, na siyang provincial officer ng Pangasinan, mula noong Enero 2 ngayong taon ay kapansin-pansin ang pagtaas ng kaso ng nabanggit na sakit.

Kanyang sinabi na sa linggong ito ay malaking bilang ng mga indbidwal ang tinamaan ng nabanggit na sakit. Kung matatandaan, 47 na kaso ang naitala sa lalawigan noong Enero 6; 57 kaso noong Enero 7; at 63 na kabuuang kaso ang naidagdag kahapon, Enero 8.

--Ads--

Kung kaya’t sa ngayon ay nasa 484 na active cases sa probinsya, kung saan 299 dito ay mula sa Pangasinan at 185 naman sa lungsod ng Dagupan na isang charted city.

Aniya, karamihan sa mga naitatalang kaso ng naturang sakit ay mula sa Authorized Person Outside Resdence (APOR), may mga mangilan-ngilan na mga asymptomatic, mga close contact ng mga positibo sa naturang sakit, mga ilang frontliners, at mga Locally Stranded Individuals (LSI).

Tinig ni Dr. Ana Marie De Guzman, ang Provincial Health Officer ng Pangasinan

Nabanggit din ni De Guzman, na malaki ding pagasubok ito sa mga Local Government Units (LGU) sa lalawigan ang kawalan ng ilang mga health workers sa ilalim ng deployment program ng DOH na hindi pa nakakabalik sa trabaho dahil nagtapos na ang kanilang kontrata noong Disyembre 31, 2020 maging ang mga nakakontrata na mga contact tracers ng DILG.

Kung kaya’t panawagan niya sa publiko, na manatiling sumunod sa mga ipinapatupad na mga health protocols upang maiwasan ang paglobo pa ng bilang ng mga tinatamaan ng nabanggit na sakit.