Tiniyak ng hanay ng Pangasinan Provincial Police Office na kanilang pinaaigting ang mga hakbangin upang masawata ang kalakaran ng ilegal na droga sa probinsya.
Ayon kay PCol. Jeff Fanged ang siyang Provinicial Director ng Pangasinan PPO na hindi nila binibitawan ang laban konta sa ilegal na droga na sinimulan ng nakaraang administrasyon.
Aniya na kinakailangan ang patuloy na pagmomonitor sa bawat lugar upang masiguro na magiging ligtas ang mga mammaayan partikular na ang mga kabataan.
Paliwanag din nito na ang naturang isyu ay tuluyan lamang matitigil kung makikipagtulungan ang publiko sa kanilang mga kapulisan.
Kung kaya’t umaasa ito sa bawat residente sa lalawigan na agad na makipag-ugnayan sa hanay ng kapulisan sa anumang mga ilegal na aktibidad na kanilang makikita.
Dagdag pa ng naturang opisyal na malaki rin ang pasasalamat nito sa mga opisyal na patuloy ang pagtutok sa paghuli sa mga taong sangkot sa ilegal na droga.
Tulad na lamang nang nagyaring pagaresto sa mga sindikato na nasa likod ng nasa 360 kilo o nasa 2.448 bilyon peso na halaga ng ilegal na drogang nasamsam sa bayan ng Pozorrubio.
Patuloy rin nitong pinagiingat ang publiko na maging vigilante hinggil sa anumang mga ilegal na gawaing maaaring maitala sa Pangasinan.