Dagupan City – Nanawagan ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa lahat ng motorista na maging responsable sa pagmamaneho upang maiwasan ang mga aksidente at masiguro ang kaligtasan sa mga kalsada.

Binigyang-diin ng opisina na ang bawat desisyon sa likod ng manibela ay may malaking epekto sa kaligtasan ng lahat.

Kaya naman, naglabas sila ng mga paalala o traffic safety advisory para sa mga motorista tulad ng tiyaking ang sasakyan ay nasa maayos na kondisyon bago bumiyahe, huwag magmaneho kung pagod, inaantok, o nakainom ng alak, manatiling kalmado at maging pasensyoso sa kalsada, magbigay ng sapat na distansya sa sinusundang sasakyan, gamitin ang signal lights upang ipaalam ang iyong mga balak, at sundin ang mga traffic signs upang maiwasan ang aksidente at makapagligtas ng buhay

--Ads--

Dagdag pa ng Pangasinan PPO, mahalaga ang disiplina at pagsunod sa batas trapiko upang maiwasan ang anumang insidente na maaaring magdulot ng pinsala o pagkawala ng buhay.