Dagupan City – Nagkaroon ng Turn-over of command ceremony sa 2 Municipal Police Station ang Pangasinan Police Provincial Office matapos maitala ang 2-strike policy.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt Aileen Catugas, Public Information Officer ng Pangasinan PPO, ito’y dahil umano sa nangyaring 2 shooting incident sa bawa’t bayan na kinabibilangan ng Sta.Barbara at Malasiqui.
Pinangunahan naman ito ni Provincial Director Rollyfer Capquian na isinagawa naman sa Magilas Hall ng Pangasinan PPO.
Nauna na rito, nilinaw naman ni Catugas na walang kinalaman ang nangyaring reshuffling ng mga PNP personnel sa halalan at ang naitalang mga shooting incidents sa pulitika o eleksyon.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang deployment ng PNP ngayong bangus festival sa Dagupan City at ang nalalapit na halalan sa may 12, 2025.
Kaugnay nito, nakabantay naman 24/7 ang kapulisan sa COMELEC Warehouse o Dagupan hub matapos dumating na ang Automated Counting Machine o ACM at mga paper seal sa lungsod.
Paalala naman nito sa publiko, ugaliing mag-fact check ng impormasyong nakukuha online at patuloy na makiisa sa kanilang adhikain na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan.