Dagupan City – Matagumpay na isinagawa ng Pangasinan Police Provincial Office (Pang PPO) ang isang makulay at makatarungang Bloodletting Activity na may temang “Dugo para sa Kahandaan, Buhay ay Dugtungan.”

Ayon kay PCol Rollyfer Capoquian – Provincial Director ng Pangasinan PPO, katuwang nila ang Region 1 Medical Center (R1MC) sa pagsusulong ng nasabing proyekto

Mayroon silang nakatakdang Memorandum of Understanding kung saan napagkasunduan na ang mga kapulisan sa lalawigan ay regular na magdodonate ng dugo.

--Ads--

Ang mga miyembro ng PNP aniya ay madalas na nakatalaga sa mga operasyon o mga lugar na may mataas na panganib, kaya’t magiging mahalaga ang pagkakaroon ng reserbang dugo sakaling mangailangan sila ng agarang tulong medikal.

Samantala, nagkaroon din ng malaking suporta mula sa mga boluntaryo, kung saan marami ang nagbigay ng kanilang dugo para sa nasabing adbokasiya.

Dahil dito, inasahan ng Pangasinan PPO at R1MC na nakakolekta sila ng maraming bag o gallon ng dugo na magagamit sa Ospital.
Itinaon din ang aktibidad ngayong buwan ng Pebrero, bilang bahagi ng selebrasyon ng Araw ng mga Puso, na isang simbolo ng pagmamahal at malasakit sa kapwa.

Kasunod ng matagumpay na bloodletting activity, inihayag din niya na sunod naman nilang isasagawa ang isang Fun Run na may temang “Takbo para sa Puso.”

Ang nasabing aktibidad ay isasagawa sa pakikipag-ugnayan pa rin ng R1MC.

Samantala, nakatanggap naman ng bagong Police Mobil ang mga bayan mula sa ika-5 distrito sa lalawigan ng Pangasinan
Sa inisiyatiba ni 5th District Congressman Ramon Guico Jr., isinagawa ang Ceremonial Turnover at Blessing ng anim (6) na bagong sasakyan na ipinamigay sa mga bayan ng Alcala, Bautista, Binalonan, Laoac, Pozorrubio, at Sto. Tomas. Ang bawat sasakyan ay may halagang P1.9 milyon

Sa seremonya, tinggap ito ng mga alkalde ng mga nabanggit na bayan, pati na rin ang ilang mga opisyal mula sa kanilang mga Local Government Unit (LGU) at ang mga Chief of Police (COP) ng bawat bayan.

Dagdag pa niya, mahalaga rin ang pagkakaroon ng mga modernong communication equipment para sa mas maayos na koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng mga kapulisan.

Ang mga hakbang na ito aniyan ay hindi lamang makikinabang ang ika-5 distrito kundi pati na rin ang buong lalawigan.