DAGUPAN, CITY— Naaalarma ang hanay ng Pangasinan Police Office sa mataas na bilang ng mga kaso ng mga nagpapakamatay ngayong unang quarter ng taon sa lalawigan.
Ito ay kasabay na rin ng sunod-sunod na bilang ng mga indibidwal na namamatay dahil sa pagkitil sa kanilang buhay lalo na ngayong kasagsagan pa rin ng pandemya.
Ayon kay PMaj. Arturo Melchor Jr., tagapagsalita ng Pangasinan PPO, kanila umanong tutukan sa ngayong nasabing insidente sapakat mataas umano ang surge ng nabanggit na insidente sa pagpasok pa lamang ng taon ito.
Base kasi sa kanilang talaan, nasa 16 na ang bilang ng suicide incidents sa probinsya mula Enero hanggang unang linggo pa lamang ng Marso ngayong taon.
Aniya, sa kanila umanong pag-oobserba ay tila mas marami pa umanong namamatay dahil sa suicide kaysa COVID-19 dito sa lalawigan.
Noong nakaraang taon lamang, umabot sa kabuuang 93 na kaso ng pagpapakamatay ang naitala ng kanilang himpilan.