Dagupan City – May person of interest na sa pagpaslang kay Coun. Ponciano Onia Jr.

Ayon kay PCapt. Renan Dela Cruz, Spokesperson ng Pangasinan Police Provincial Office, ito’y matapos na ikinasa at binuo ang Special Investigation Task Group (SITG) “Onia” na may layuning maghatid ng dibisyon ng opisina at ng mga nasa support units na nagsasanib puwersa upang mas mapabilis ang imbestigasyon at matugis ang salarin sa nangyaring shooting incident sa nasawing biktima na si Coun. Ponciano Onia Jr. sa bayan ng Umingan.

Aniya, sa kabila naman ng paglitaw ng person of interest, hindi naman nila isinasara ang iba pang posibilidad at patuloy na isinasagawa ang masusuing imbistigasyon gayong maari ding may mga kasamahan pa ang hinihinalang shooter sa likod ng pangyayari.

--Ads--

Sa katunayan, nakikipag-ugnayan na rin mga ito sa pamilya, kamag-anak, at mga taong malapit sa kaniya upang tanungin ng impormasyon at lumiataw ang posibilidad o sanhi ng pangyayari.

Ani Dela Cruz, maraming mga posibilidad kasi na dapat ikonsidera gaya na lamang ng pulitka gayong nalalapit na rin ang eleksyon, ang negosyo ni Onia, at iba pang sektor o gurpo na kaniyang kinabibilangan.

Sa kabila nito, sinisiguro naman ni Dela Cruz na hindi titigil ang pulisya hangga’t hindi nhila naisisilbi ang katarungan sa pangyayari.

Samantala, sa kabuo-an, mas pinaghigpit naman nagyon ng Pangasinan PPO ang pagbabantay sa lalawigan at sa katunayan nasa 85% na mga police personnel ang nakadeploy ng 12 oras partikular na sa mga tourist spot sa iba’t ibang bayan sa lalawigan upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.