DAGUPAN, CITY— Inamin ng Pangasinan Police Provincial Office na tumaas ang firearms related incidents ngayong taon sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PMaj. Arthuro Melchor, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office na bahagyang tumaas ng nasa humigit kumulang 20% ang mga firearms related incidents ngayon taon kumpara sa nakaraang taon.

Gayunpaman, siniguro nito na ang mga shooting incidents sa lalawigan ay agad na nareresolba. Sa katunayan aniya, maituturing na nasa 95% resolve, solve or cleared ang mga kaso na ito at naifile nila sa korte.

--Ads--

Halos kada linggo aniya ay nagsasagawa sila ng case conference kasama ang mga hepe ng bawat bayan at siyudad kasama ang mga chief investigators upang malaman nila ang maitutulong ng provincial command, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima dito.

Umaasa naman ang opisyal na maresolba ang mga kasong ito bago sumapit ang eleksyon sa tulong ng mga hepe upang bigyan ng solusyon ang pending, under investigation ng mga kaso nila sa nasasakupang lugar kasama din ang ibang insidente gaya ng robbery and theft, rape, homicide cases na mga naitatala.