Dagupan City – Masusing iniimbistigahan na ng Pangasinan Police Provincial Office ang ginawang pagpaslang Umingan, Pangasinan Councilor at Abono Partylist National President Ponciano “Onyok” Onia.

Agad na ikinasa at binuo ang Special Investigation Task Group (SITG) “Onia” kung saan sanib pwersa ang mga iba’t ibang dibisyon ng opisina at mga support units ng Pangasinan PPO para mapabilis ang imbestigasyon, mahuli ang salarin sa pagpatay sa biktima.

Samantala, nagkaroon naman ng moment of silence sa Sangguniang Panlalawigan para kay konsehal Onia.

--Ads--

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, kilala si Onia bilang alagad ng serbisyo publiko at palaisipan sa kanila ang sinapit nito.

Nagpaabot ng pakikiramay at hangad ang agarang hustisya para sa naulilang pamilya nito.

Ayon naman kay Engr. Rosendo So, ang Founding Chairman ng Abono Partylist, plano nilang magbigay ng reward money upang mapabilis na maibigay ang hustisya kay Onia.

Aniya, sa kasalukuyan, hawak na nila ang 2 witnessed na kasama nito sa sasakyan upang bigyang proteksyon ang mga ito.

Isinalarawan naman ni So si Onia bilang isang tagahatid ng serbisyo sa mga magsasaka at nagiging boses na rin ng mga ito para maitulak ang isang batas na tiyak na makakatulong sa kanilang sektor.

Matatandaan, papauwi na ang biktima noong Sabado ng gabi sa Brgy. San Leon galing sa barangay Esperanza, kasama ang dalawa niyang empleyado nang ito ay pagbabarilin, naisugod pa naman ito sa ospital, ngunit sa araw ng linggo ay tuluyan na itong binawian ng buhay.