Dagupan City – Muling binigyang diin ng Pangasinan Police Provincial Office ang kahalagahan ng Provincial Ordinance hinggil sa pagsusuot ng relectorized vest ng mga motorista sa lalawigan.
Ayon kay Pcol. Rollyfer Capoquian, Provincial Director ng Pangasinan PPO, kung mapapansin kasi sa ibang bayan ay mukhang hindi gaanong kinikilala at sinasamantala ng mga motorista ang nasabing ordinansa.
Kaya’t nanindigan si Capoquian na kung hindi magkakaroon ng pangil ang batas ay hindi rin susunod ang publiko.
Aniya, malaking bagay kasi ang reflectorized vest lalo na sa mga pangyayaring hindi inaasahan gaya na lamang ng kung masira mana ng ilaw ng motor, maaring gawing pansamantalang alternatiba ito upang mabigyan sila ng visibility sa kakalsadahan.
Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa Pangasinan Provincial Government ordinance number 325-2024 hinggil sa regulasyon sa mga motorcycle rider na lumalabas ng gabi.
Kung saan sa ilalim ng ordinansa, kailangan ng magsuot ng high-visibility reflectorized vest ang mga motorcycle rider pati ang kanilang angkas tuwing 6PM hanggang 6AM.