Dagupan City – Nakatakdang madagdagan ng 300 scholars ang Pangasinan Polytechnic College.
Ito ang magandang balita na ibinahagi ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino na siya ring Chairperson ng Committee on Education.
Dahil dito, ang mga nasa wait-lists ay mapupunta na sa idaragdag na mga estudyante, habang nakatakda naman silang tumanggap pa para sa panibagong wait-lists.
Matatandaan noong nakaraang buwan na natatalakay na umano ang karagdagang iskolar sa probinsya na siya ring suportado ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.
Sa kasalukuyan, tiniyak ng bise gobernador na sapat ang mga facilites at kagamitan, at wala ring inaasahang mga shortage kung maumpisahan na ang klase.
Ngunit kaakibat nito, aasahan na rin aniya ang pag-doble ng mga mag-aaral pagatapos ng schoolyear dahil magpapasok muli sila ng mga enrollees, na siya namang pinaghahandaan ng pamahalaan ng lalawigan.
Samantala, sa kabila ng inisyatibang ito, tiniyak din ni Lambino na walang anumang scholarships ang probinsya na maaapektuhan o makakansela.