Inanunsyo ni Pangasinan Governor Ramon Guico III na ginawaran ng Commission on Higher Education (CHED) ang Pangasinan Polytechnic College sa bayan ng Lingayen para sa apat na programa.

Sa kanyang inaugural speech para sa ikalawang termino, sinabi ni Guico na ito ay simbolo ng kanyang hangarin na mabigyan ng magandang kinabuksan ang mga kabataaan sa pamamagitan ng libre at dekalidad na edukasyon.

Dahil dito ay patuloy siyang magsusumikap na palakihin pa ang Pangasinan Polytechnic College upang mas marami pang matulongan na kabataan na nais magtapos sa kolehiyo.

--Ads--

Ito ay katuparan aniya ng kanyang pangako nang siya ay umupo sa kanyang unang termino.

Samantala, muling binigyang diin ng gobernador na hindi nagbago ang kanyang paninindigan at paninilbihan.

Nanatili aniya ang kanyang katapatan sa tungkulin at hangarin na makapaghatid ng serbisyong magbibigay ng pangmatagalang solusyon sa maraming suliranin sa lipunan.