DAGUPAN CITY- Mayroon nang nakikitang person of interest ang Pangasinan Police Provincial Office sa nangyaring pagpatay sa incumbent barangay official ng Barangay Paitan sa bayan ng Santa Maria.

Matatandaan na pinagbabaril ito sa bypass road sa kanilang barangay kamakailan habang sakay ng tricycle barangay patrol.

Ayon kay Pcol. Rollyfer Capoquian ang Provincial Director ng nasabing opisina na sa pamamagitan ng mga bystanders sa lugar ng pinangyarihan ay na-identify ang salarin sa pamamaril sa pamamagitan ng kanyang ginamit na sasakyan.

--Ads--

Napag-alaman na nag-iisa lamang ang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Maraming nakikitang maaring motibo at anggulo sa krimen ang kapulisan gaya ng robbery dahil ninakawan pa umano ang biktima, usapin sa negosyo ng quarry, politika at pagiging dating opisyal ng CIDG ng biktima.

May posibilidad na maitaas sa areas of concern ang bayan ng Santa maria kung mapatunayan na political motivated ang nasabing krimen ngunit sa ngayon ay hindi pa nahuhuli ang suspek upang malaman ang kanyang naging dahilan.

Samantala, pagtitiyak ni Pcol. Capoquian na mareresolba ang kaso ngayong buwan dahil nagpapatuloy ang kanilang backtracking at monitoring sa suspek.