Mas hihigpitan pa ng Pangasinan Police Provincial Office ang mobile checkpoints at existing na quarantine checkpoints bilang parte ng paghahanda sa nalalapit na bagong taon.

Ayon kay PCol. Ronald Gayo, Police Provincial Director ng Pangasinan na may ibinaba na itong direktiba sa mga chief of police sa ibat ibang municipalidad upang maipatupad ang mga ito kung saan ang focus ng mga hakbanging ito ay upang mamonitor ang mga maling gawain at para na rin maiwasan ang ibat ibang klase ng aksidente maging ang mga nabibiktima ng ligaw na bala.

Dagdag pa dito ay mahigpit din ang inspeksyon ng mga kapulisan sa bawat bayan pagdating sa mga nagtitinda ng bawal na paputok at ikinatuwa pa ng opisyal na may siyam na bayan at isang siyudad sa lalawigan na may ordinansa tungkol sa ban ng paggamit ng firecrackers.

--Ads--

Kaakibat ng mga kapulisan sa pananatili ng peace and order at pageenforce ng existing ordinances sa ibat ibang bayan sa bagong taon ang mga force multipliers maging ang barangay officials na tutulong sa pagkalat ng impormasyon para pakiusapan at pakisuyan ang mga kababayan na iwasan ang sobrang paginom pagdako ng bagong taon na maaaring magsanhi ng mga krimen o aksidente.

Samantala, naniniwala si Gayo na kapansin pansin na natuto na ang mga mamamayan at nababawasan na ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na paputok.

PCol. Ronald Gayo, Pangasinan Police Provincial Director

Ayon kay Gayo, may records sila 2018 at 2019 na nagsasabing bumababa na ang bilang ng mga biktima na naiinjure dahil sa firecrackers maging sa stray bullets mula December 16 hanggang January 3.

Paalala pa ng opisyal sa mga residente na huwag kalimutan ang courtesy at disiplina at tulungan ang kapulisan upang sa pagsalubong sa bagong taon ay mapayapa at maging maayos ito.