Inaasahang magbibigay ang Regional Headquarters ng dagdag na pulis para sa kakulangan ng tauhan ng Pangasinan Police Provincial Office sa darating na halalan.

Ayon kay Pcol. Rollyfer Capoquian ang Provincial Director ng nasabing opisina na nagkukulang ang lalawigan ng nasa 149 na police personnel upang mapunan ang requirements na 2 pulis sa bawat presinto.

Bagamat may kakulangan sa bilang, naniniwala ito na maari parin itong masolusyunan sa pamamagitan ng tulong ng mga security group at iba pang allied units.

--Ads--

Sa kabilang banda, pinabulaanan naman nito ang mga ulat tungkol sa presensya ng mga private armed groups sa 6th District dahil nanatiling wala silang namomonitor.

Gayunpaman, para sa mas mahigpit na seguridad ay magpapatupad ng pinaigting na checkpoints at boundary security ang PPO kasama ang Regional Mobile Force Battalion.

Naniniwala ito na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng police visibility sa buong lalawigan ay inaasahan nilang magiging maayos at ligtas ang halalan.

Samantala, wala pa naman naiulat o naitala ang kanilang opisina na election-related incidents magmula nang magsimula ang campaign period habang nananatili parin sa ilalim ng yellow category ang 8 lugar na nasa areas of concern sa lalawigan.