Dagupan City – Ipinaabot ng Pangasinan Police Provincial Office ang kanilang pasasalamat sa mangingisdang nag-surrender ng worth P6,123,537 hinihinalang shabu na natagpuang palutang-lutang sa bayan ng Bani.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan PPO, bago pa man natagpuan ang plastic na naglalaman ng ilegal na droga ay may napaulat na ring natagpuang container sa bahagi ng Ilocos Sur na naglalaman ng ilegal na droga.

Kung kaya’t dahil dito ay inaasahan na aniya na maaaring mayroon ding dumako at mapadpad sa ating lalawigan.

--Ads--

Ayon kay PCapt. Dela Cruz, maganda ang ginawang aksyon ng mangingisda kung saan ay hindi ito nagpasilaw sa kung ano ang halaga ng natagpuan niya bagkus ay pinili nitong i-surrender sa awtoridad.

Sa kasalukuyan, nanantili pa ring maganda ang drug status ng Pangasinan, kung saan ay nasa higit 1000 mga baranggay ay nai-deklara ng drug cleared, habang nasa 92 baranggay’s naman ang nasa drug free status.

Samantala, siniguro naman nito na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang isinasagwaang kampaniya laban sa ilegal na droga sa lalawigan.