Isandaang porsyento nang nakahanda ang Pangasinan Police Provincial Office o Pangasinan PPO sa gaganaping eleksyon 2022 sa Lunes.

Ito ang iginiit ni PMaj. Katelyn Awingan, ang information officer ng Pangasinan PPO kung saan ay nakafull alert status na ang mga kapulisan at katuwang din ang ilang mga opisyal ng barangay ay bente quatro oras silang nagbabantay sa mga Voting Counting Machines (VCM’s) sa bawat polling centers hanggang sa matapos ang isasagawang botohan.

Aabot din umano sa 3,161 personnels ang naideploy na siyang magsisiguro na ligtas ang lahat ng mga botante at kandidatong makikilahok sa halalan.

--Ads--

Sa bilang na ito ay mayroon aniya 800 ang nagmula sa augmentaton forces, 43 ay mula sa philippine army habang 32 ay mga miyembro ng special action force.

Ang Dagupan City naman umano ang nakatanggap ng pinakamaraming bilang ng mga nadeploy na personnel dahi sa dami ng polling precincts sa lungsod.

Dagdag din ng naturang opisyal na mayroon ding dalawamput tatlong quick reaction teams na binubuo ng mga miymebro ng Pangasinan PPO, Special Action Force at maging ng Philippine Army na siyang magbibigay seguridad sa mga bayan na napasailalim sa orange category at maging sa mga liblib na barangay sa lalawigan.

Matatandaan na isinailalim sa orange category ng COMELEC ngayong election ang pitong mga bayan sa Pangasinan dahil sa nakikitang intense political rivalry. Ang mga lugar na ito ay ang bayan ng Urbiztondo, Sual, Sto. Tomas, Bolinao, Calasiao, Rosales, at Sison.

Hiningi naman nito ang pakikiisa ng publiko sa mga ibinababang panuntunan nang masigurong magiging matagumpay ang magiging halalan 2022.

TINIG NI PMAJ. KATELYN AWINGAN