Nakahanda na ang pwersa ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) para sa nalalapit na paggunit ng Undas 2025.

Ayon kay Officer-In-Charge Provincial Director PCol. Arbel Mercullo na may mga plano na silang inilatag para sa deployment ng mga opisyal at tauhan para matutukan ang bawat indibidwal na bibisita sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Libo-libong mga pulis ang ipakakalat sa iba’t ibang sementeryo, pangunahing kalsada, at mga lugar na matao sa buong lalawigan upang masiguro ang seguridad at kaayusan ng publiko.

--Ads--

Inaasahang aniya na magiginh full alert status ang kanilang pwersa bago, habang at pagkatapos ng Undas.

Patuloy naman ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs), mga volunteer group, at iba pang ahensya ng gobyerno upang magkaroon ng mas koordinadong pagtutulungan sa pagpapatupad ng seguridad.

Inihayag naman nito na may mga check point na itatalagang pulis sa Entrance at Exit sa bawat sementeryo upang mabantayan ang mga ipinagbabawal gaya ng matutulis na patalim, speaker , baril at alak.

Samantala, Inaasahan na dadagsa ang mga tao sa mga sementeryo sa buong lalawigan simula sa huling linggo ng Oktubre hanggang unang linggo ng Nobyembre.

Kaya naman, nanawagan ang PPPO sa lahat na makipagtulungan sa mga awtoridad upang matiyak ang isang mapayapa at makabuluhang paggunita ng Undas.