Dagupan City – Nagpaalala ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa mga motorista na laging pairalin ang pag-iingat at pagsunod sa mga batas-trapiko upang maiwasan ang aksidente sa kalsada.

Kabilang sa mga paalala ang pagsunod sa itinakdang speed limit, pag-iwas sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, at pagsusuot ng seatbelt sa lahat ng oras.

Hinimok din ang mga motorista na panatilihin ang ligtas na distansya sa pagitan ng mga sasakyan at huwag magmaneho kung nakainom ng alak upang maiwasan ang panganib sa sarili at sa ibang road users.

--Ads--

Para sa mga emergency, maaaring tumawag sa 911 upang agad na makahingi ng tulong.