Dagupan City – Pinaigting ng mga pulis at mga responder sa Pangasinan ang kanilang kahandaan laban sa mga online bomb threat sa pamamagitan ng isang seminar na nakatuon sa cybercrime at digital threats.

Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan ng Pangasinan PDRRMO bilang bahagi ng mas pinaigting na ugnayan ng iba’t ibang ahensya sa lalawigan.

Tinalakay sa seminar ang wastong pagproseso, pag-uulat, at pagtugon sa mga ulat ng online bomb threats, kabilang ang beripikasyon ng impormasyon at agarang koordinasyon sa mga kinauukulang tanggapan.

--Ads--

Ipinaliwanag din ang kahalagahan ng digital forensics sa pagtukoy ng pinagmulan ng banta, pati ang maayos na pagpreserba ng ebidensya tulad ng user URL at user ID mula sa social media at email.

Sa kabuuan, pinalakas ng seminar ang koordinasyon, komunikasyon, at kahandaan ng mga ahensya laban sa lumalawak na banta sa digital na kapaligiran.