Nilinaw ng Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office na nagkaroon lamang ng misconception sa kumalat na litrato ng isang pulis na armado sa implementasyon ng pilot face to face classes sa Longos Elementary School sa siyudad ng Alaminos.

Ayon kay Police Colonel RICHMOND L TADINA, ang Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office ito ay dahil ipinalabas na fully armed ang mga kapulisan ngunit sa katotohanan ay isang pulis lamang ang nakasling long firearm kung saan nakita lamang nitong nahihirapan ang bata at nagmagandang loob na tulungan.

Ngunit upang masiguro ay bibigyan umano ang insidente ng patas na investigation process at hinihintay nalamang ang resulta nito

--Ads--

Giit naman ni PCol. Tadina na hindi na ito kailangan pang palakihin pa dahil wala naman itong nakikitang violation sa insidente dahil hindi naman hawak ng pulis ang baril para magkaroon ng ibang intensyon.

Police Colonel RICHMOND L TADINA, Provincial Director-Pangasinan Police Provincial Office

Mandato din nila na siguraduhin ang peace and order saang mang dako ng probinsya kayat ipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng police assistance sa mga paaralan sa pagsasagawa ng face to face classes.

Samantala, humingi naman ito ng paumanhin dahil sa nangyareng insidente at nagbigay na din ito ng direktiba sa lahat ng chief of police sa mga bayan ng Pangasinan na iwasan na ang pagdadala ng long firearms sa mga kahalintulad na aktibidad upang hindi na maulit ang insidente.

Police Colonel RICHMOND L TADINA, ang Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Offic