DAGUPAN CITY– May listahan na ang PNP ng mga gun for hire dito sa probinsiya ng Pangasinan.

Binigyang diin ni PLt./Col. Norman Florentino, Deputy Provincial Director for Administration ng Pangasinan PPO, na ito’y kanilang tinututukan.

Batay aniya sa record noong bago mag eleksiyon ay nabawasan ang mga miyembro ng ibang grupo at ang iba ay nabuwag na ng tuluyan.

--Ads--

Sinabi ni Florentino na bilang tugon sa isa sa mga 7 points agenda ni Provincial director P/Col. Redrico Maranan na kinakailangang mapaigting ang tinatawag nilang Enhance Managing Police Operations ay patuloy silang nag hihigpit sa pagsita ng mga motorista partikular na sa mga riding in tandem.

PLt./Col. Norman Florentino, Deputy Provincial Director for Administration – Pangasinan PPO

Bagamat dati na nila itong operasyon, minabuti pa din nila itong paigtingin lalo pa ngayon.

Kadalasang lumalabas aniya ang mga ito tuwing sila’y may target na indibidwal kayat kinakailangan na laging bantayan ang mga kakalsadahan at mas mainam din ayon kay Florentino kung magpatupad ng alituntunin ang bawat LGU’s na maglagay ng mga CCTV sa kanilang mga lugar upang magsilbing gabay at tulong sa mga kapulisan sa imbestigasyon ng mga maitatalang kaso.