Binabatayan ng Pangasinan PNP ang mga beaches at resorts sa lalawigan dahil sa pagdagsa ng mga turista at nais na magtungo rito.

Ayon kay Plt. Ferdinand De Asis, Deputy Provincial Director for Operations ng Pangasinan Police Provincial Office, kanilang sinisiguro na may mga naka-deploy na mga pulis sa mga tourist destination sa probinsya lalo na ang mga karagatan na madalas pasyalan ng publiko upang makaiwas na rin sa pagkalat ng COVID-19.

Aniya, ipinapaalala pa rin nila sa mga beachgoers ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health protocols gayundin ang pagsiguro na ligtas din ang mga ito mula sa mga untoward incidents.

--Ads--
Plt. Ferdinand De Asis, Deputy Provincial Director for Operations Pangasinan Police Provincial Office

Muli namang ipinaaalala ni De Asis sa mga nais na bumisita sa mga magagandang mga karagatan at resorts sa lalawigan lalong lalo na sa mga nonn-APORs na magrehistro muna sa tara na.ph at kinakailangan na magpresenta ng kanilang vaccination card at ID upang makapasok naman sa probinsya.