Dagupan City – Patuloy pa rin ang mahigpit na monitoring ng Provincial Health Office (PHO) sa lalawigan sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga firecracker-related injuries (FRI) sa Pangasinan kumpara noong nakaraang taon.

Sa pinakahuling tala hanggang Enero 2, umakyat na sa 111 ang bilang ng mga biktima ng FRI, na may karagdagang 11 kaso mula kahapon kung saan pumalo na sa 30 ang mga bayan at lungsod sa Pangasinan na nag-ulat ng mga insidente.

Sa ulat ng PHO, bagama’t mas mababa ito ng 10% kumpara sa 123 kaso noong nakaraang taon, hindi ito dahilan para magpakampante.

--Ads--

Dahil dito, magpapatuloy ang kanilang monitoring hanggang Enero 6 upang matiyak ang kaligtasan ng lahat at makapagbigay ng agarang tulong medikal sa mga nangangailangan.

Hinihikayat din ang mga residente na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang insidente ng FRI.