Lumahok ang mga guro, estudyante, freelancers, at business owners sa isinagawang Basic Graphic Design workshop na pinangunahan ng Pangasinan Public Employment Service Office sa bayan ng Lingayen.

Layunin ng aktibidad na mahasa ang kakayahan ng mga kalahok sa larangan ng digital at creative design, na maaaring magamit sa kanilang trabaho, negosyo, at iba pang oportunidad online.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, patuloy ang pagsasagawa ng mga ganitong seminar at workshop upang mabigyan ng praktikal na kasanayan ang mga Pangasinense at mapalawak ang kanilang kakayahan sa makabagong larangan.

--Ads--

Sa pamamagitan ng mga programang ito, inaasahang mas marami pang residente ang magkakaroon ng oportunidad sa digital economy at mapapaunlad ang kanilang kabuhayan.