DAGUPAN, CITY— Patuloy ang pagbibigay ng abiso ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa mga mangingisda na papalaot sa mga karagatan sa Pangasinan ngayong aasahang dadaan ang bagyong Rolly sa lalawigan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Shallom Balolong, Head ng Early Warning Office ng PDRRMC, kanyang nabanggit na nagpapadala ang provincial government ng adisory sa mga Local Government Unit (LGU), at mga barangay captains sa mga coastal areas sa probinsya sa pamamagitan ng text message upang malaman kung maaring bumaybay dagat ang mga mangingisda.

Ang naturang abiso umano ay ipapabatid ng mga naturang LGU at mga barangay officials upang makarating sa mga fisherfolks sa mga nabangggit na lugar.

--Ads--
Tinig ni Shallom Balolong, Head ng Early Warning Office ng PDRRMO Pangasinan

Ipinaalala rin ni Balolong na kahit wala pang inilabas na gail warning ang PAG-ASA ay automatic aniya na wala nang mga mangingisda ang papalaot lalo na’t may paparating na bagyo.