Nakahanda na ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (Pangasinan PDRRMO) sa posibleng bantang dulot ng tag-ulan.

Ayon kay Vincent Chiu – Operations Supervisor ng nasabing opisina bago nagdeklara ng Habagat season ay marami na silang paghahandang isinagawa kabilang na diyan ang pagdaragdag ng emergency vehicles, mga equipments at iba pa.

Patuloy din ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang LGU’s sa lalawigan upang sa anumang oras na sila ay kakailanganin ay handa sila.

--Ads--

Nagkaroon din sila ng quarterly meeting hinggil naman sa reponse cluster at tinitingnan nila kung ano pa ang kailangan nila iimprove.

Samantala, passable naman ang isang lane sa Villa Verde road sa Malico, sa bayan ng San Nicolas at minimal o maliliit lamang ng mga bato ang nahuhulog-hulog.

Subalit panawagan naman nito sa mga motorista na kung may ibang ruta ay iwasan nalang ang pagdaan dito.

Paalala pa ni Chiu sa publiko na palagiang maging handa at ang resiliency ay laging nariyan.

At kung sakali mang magpatupad ng evacuation ang mga LGUs ay sumunod agad para sa kaligtasan at kaligtasan din ng mga rescuers.