Nakaalerto na ang Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office para sa posibilidad na pagresponde sa mga residenteng maaapektuhan ng pananalasa ni Bagyong Karding.
Ayon kay Patricio Aquino ang siyang Operations Supervisor ng Pangasinan PDRRMO na sa kasalukuyan ay handang handa na ang iba’t ibang mga rescue teams para sa pagbibigay suporta sakaling maitala ang malalakas na mga paguulan at matataas na tubig baha sa pagbaybay ni Bagyong Karding sa Northern Luzon.
Aniya na sa hanay ng Philippine National Police ay mayroong nabuong walong teams habang pito naman ang response teams sa Philippine Coastguard.
Maging ang Bureau of Fire Protection ay may nakahanda an rin aniyang tatlong grupong magbibigay tulong sa mga indibidwal na maaapektuhan ng pananalasa ng naturang bagyo.
Bukod dito, ay dalawampung oras din aniya slang nakamonitor sa mga maituturing na flood prone areas ng lalawigan tulad ng Dagupan City at ng bayan ng Calasiao.
Dahil na rin aniya panahon ngayon ng habagat, at naitatala ang high tide ay posibleng magkaroon ng mataas na tubig baha.
Tiniyak din nito na ang kanilang mga personnels ay nkaantabay na rin kung sakaling mangailangan pa ng karagdagang tao.
Nakipagugnayan na rin aniya sila sa bawat munsiipalidad sa probinsya para sa mga planong maipapatupad hinggil sa naturang kalamidad.
Una rin rito ay nakipagpulong na rin aniya sa kanilang ahensya si Givernor Ramon Monmon Guico III para sa magiging hakbang upang matiyak na magiging ligtas ang bawat residente sa gitna ng magiging epekto ng bagyo.