Mahigpit na binabantayan ngayon ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ang mga ialng mga bayan sa probinsya na posibleng makaranas ng matinding pagbaha at landslide sa gitna ng magiging pagbaybay ni Bagyong Paeng .
Ayon kay Patrick Aquino ang siyang Operations Supervisor ng naturang ahensya na sa ngayon ay patuloy ang kanilang monitoring sa mga bayan ng Mangatarem at Aguilar na maaaring makaranas ng flashfloods sa oras na maramdaman na ang epekto ng bagyo.
Dagdag pa nito na masusi rin ang kanilang pakikipagugnayan sa mga bayan ng Bugallon at Labrador dahil sa posibilidad ng landslide sa oras na makaranas ng mga pag-ulan sa mga susunod na oras.
Kabilang din ang Sison at San Nicolas gayundin ang Sta. barbara at Calasiao sa mga lugar na maaapektuhan ng pagiging pananalasa ni Bagyong Paeng.
Pagsasaad pa ng naturang opisyal na aasahan sa mga susunod na oras ay magkakaroon na mga pagbuhos na mga ulan kung kaya’t panawagan nito sa publiko na makipagugnayan sa kani-kanilang mga Local Government Unit ukol sa mga maisasagawang paglilikas sakaling maitala ang mga pagbaha.
Nakipaguganyan na rin umano sila sa mga mangingisda patungkolsa pansamantalang pagsusuipinde sa pagpalaot sa mga coastal areas dahil sa naturang sama ng panahon.
Una rin rito ay nagsagawa na anila sila ng pre-disaster assessment sa pangunguna ni Governor Ramon Monmon Guico III,
Sa kasalukuyan din aniya ay nakahanda na ang kanilang mga rescue teams kaagapay ang PNP BFP at Philippine Coastguard.