BOMBO DAGUPAN – Itinaas sa Public Storm Signal Number 1 ang ilang lugar sa lalawigan ng Pangasinan gaya ng Rosales, Asingan, Binalonan, Sison, San Manuel, Santa Maria, Balungao, San Quintin, Tayug, Umingan, Natividad, at San Nicolas dahil sa Bagyong Enteng.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vincent Chiu, Operation Supervisor Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Pangasinan na patuloy ang kanilang monitoring at koordinasyon sa mga nasabing bayan bagamat wala pa namang naitatalang insidente ng pagbaha.
Aniya na simula pa lamang noong sabado ay nasimulan na ng kanilang counterpart sa municipal at city disaster ang pagmonitor sa mga low lying areas na maaaring bahain at makaranas ng landslide.
Dagdag pa niya na kanilang opisina ay nagsagawa na ng pre-positioning ang kanilang mga personnel gaya sa may villafuerte road, sa barangay Malico sa bayan ng San Nicolas gayundin sa bayan ng tayug, san fabian at burgos.
May nakaposisyon nadin silang mga heavy equipment.
Inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay baka lumakas pa at ma-enhance ang habagat kaya’t patuloy ang kanilang koordinasyon sa iba pang mga ahensiya sa lalawigan.
Nagpaalala naman ito na kapag wala namang importanteng pupuntahan ay manatili na lamang sa loob ng mga bahay at kapag nagpatawag naman ng evacuation ay sumunod na lamang sa protocols.
Para sa mga mangingisda naman ay inaabisuhan ang mga ito na wag ng pumalaot para sa kanilang kaligtasan.