BOMBO DAGUPANUmabot na sa 499 na mga kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan at 2 dito ay nasawi, karagdagan pa ang 64 na kaso sa lungsod ng Dagupan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV- Center for Health Development Depart of Health Region 1, may kabuoan nang 860 na mga kaso ng dengue sa Rehiyon uno.

132 rito ang sa Ilocos Sur, 111 sa La Union, at nasa 54 naman ang mga kaso sa Ilocos Norte.

--Ads--

Gayunpaman, nagkaroon ng 23.8% na pagbaba ng kaso kumpara sa nakaraang taon dahil umaabot aniya ito sa 1,129 na mga naging kaso.

Ani Dr. Bobis, kung pagbabasehan ang mga nakaraang datos, nagkakaroon ng pagtaas ng mga kaso tuwing tag-ulan kaya maaari pa madagdagan ang maitatalang kaso sa susunod na buwan.

Subalit, umaasa pa din sila na mapapanatili pa din ang pagbaba nito.

Kaya dapat, mapanatili ang malinis na kapaligiran upang mabawasan ang tinatawag na vector o ang lamok upang hindi tumaas ang mga kaso ng dengue.

Sinabi din niya na hindi naman inirerekomenda ang misting kung hindi pa nasa ilalim ng outbreak ang isang lugar.

Kaugnay nito, itinuturing namang nasa outbreak ang isang bayan kung ito ay lumugpas ito sa epedemic threshold.