Nangunguna pa rin ang lalawigan ng Pangasinan sa rehiyon uno na may pinakamaraming operasyon laban sa illegal na droga.
Sa panayam ng bombo radyo Dagupan kay Bismark Bengwayen, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA region 1, sinabi nito na sa lawak ng lalawigan ng Pangasinan at dami ng populasyon ay dito ang may pinakamaraming operasyon.
Daanan aniya ang Pangasinan papuntang lungsod ng Baguio, Ilocos Sur, Ilocos Norte at La Union.
Ang mga sources ng droga sa ibang rehiyon ay dito dumadaan at dito rin ang humihinto para magbenta ng illegal na droga.
Dagdag pa ni Bengwayen isa ring contributing factor ang nadevelop na mga kalsada dahil nagiging madali na ang distribution ng droga mula sa mga kalapit na lalawigan.
Kaya isa umano sa istratehiya na ginagawa ng PDEA ay ang ng pag -iikot sa mga transport areas para masawata ang illegal na droga.