Muling nakapagtala ng napakataas na kaso ng covid 19 ang lalawigan ng Pangasinan kahapon.

Ayon kay Provincial health officer Dr. Ana Maria Teresa de Guzman, nagtala ang lalawigan ng all time high na 344 na kaso.

Ito ay pangatlong araw ng mahigit 200 na kaso sa isang araw.

--Ads--

Sinabi ni De Guzman na dahil sa pagtaas ng kaso ay malaki ang posibilidad na mayroon ng community transmission ng Delta variant kaya napakabilis ng transmission at infection sa mga mamamayan.

Paliwanag pa niya na ang dahilan din ng pagtaas ng kaso ng covid 19 sa lalawigan ay dahil sa pinaigting na contact tracing kung saan kapag may nagpositibo ay sinusundan na agad.

Provincial health officer Dr. Ana Maria Teresa de Guzman

Dagdag pa ng opisyal na lumakas din ang testing capability sa lalawigan sa pamamagitan ng molecular laboratory.