Nagtala ng 344 na bagong kaso ng covid 19 sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Provincial Health officer Dr. Ana de Guzman, sa kabuoan ang covid cases sa lalawigan ay umaabot na sa 26,837.

Samantala, 3,995 naman ang aktibong kaso. Sa nasabing bilang , 3,653 mula sa probinsya at 342 mula sa Dagupan city.

--Ads--

Pinaniniwalaan na ang pagtaas ng kaso ay dahil sa pinaigting na contact tracing at pagtaas ng kapasidad sa testing sa molecular laboratory. Bukod sa dalawang shift ay mayroon na ring private partner ang probinsya.

Pinangangambahan na tuloy tuloy ang pagtaas ng kaso sa probinsya.

Ayon kay Dr De Guzman s katunayan ay punong puno na ang mga ospital.

Provincial Health officer Dr. Ana de Guzman

Dahil dito ay hiningi niya ang kooperasyon ng mamamayan para sa pagpapaba ng kaso sa papamagitan ng ibayong pag -iingat, pagsunod sa mga health protocols at iwasan ang pag alis alis ng bahay.