Nakapagtala ng 19 na bagong confirmed cases, 11 ang bagong recoveries at dalawa ang naitalang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang mga binawian ng buhay ay isang 66 anyos na lalaki mula sa lungsod ng Dagupan at 72 anyos na lalaki mula naman sa bayan ng Mangaldan.
Base sa monitoring reports ng Provincial Health Office, umabot na sa 2,522 ang kabuoang confirmed cases, 283 ang active cases o nananatiling nasa pagamutan habang 106 na ang kabuoang nasawi .
--Ads--




